MANILA, Philippines - Magsasagawa ng kilos protesta ang militanteng grupong Piston ngayong Martes ng umaga sa opisina ng Petron upang ireklamo ang mababang price roll back.
Magtitipon-tipon ang mga miyembro ng Piston sa main office ng Petron sa kalye ng San Miguel, St.Francis Street gate, Ortigas Center, Mandaluyong City mamayang 10:30 ng umaga.
"Pag magtataas ang laki pero barat mag-rolbak," reklamo ni Piston national president George San Mateo.
Binawasan ng Petron ng P.45 kada litro ang halaga ng diesel at P.55 kada litro naman sa gasolina.
Aniya pakitang tao lamang ang pagbaba ng presyo ng petrolyo dahil nalalapit na ang ikatlong anibersaryo ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang puwesto kung saan magsasawa siya ng pang-apat na State of the Nation Address sa Hulyo 22.
Dagdag ni San Mateo na asahan muli ang pagtaas ng presyo ng petrolyo pagkatapos ng SONA ng Pangulo
"Pero pag natapos 'yan (SONA), doble bawi uli ang Big 3 ng sunud-sunod na malaking pagtaas."