Ballsy Aquino nangingikil?

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Malacañang ngayong Biyernes ang mga ulat na nangingikil si presidential sister Ballsy Aquino at asawang si Eldon Cruz mula sa isang kompanya kapalit ng kontrata sa gobyerno.

Itinanggi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang mga alegasyon na nakarating na kay Pangulong Benigno Aquino III.

“One, everybody knows that the presidential sisters are very far removed from the affairs of government. Napaka-murky ho ng storya at halata naman pong talagang ito’y conjecture or gawa-gawa lamang," said Valte.

Dagdag ni Valte na unang lumabas ang mga haka-haka bilang blind item.

"Hindi sa pinagkibit-balikat [ni Presidente] pero... at this point, it does not even merit a response given the obscurity of the details that are supposedly part of the story," ani Valte.

Ayon sa mga ulat ay nangingikil si Aquino-Cruz sa isang Czech na kompanya na kasila sana sa bidding para sa mga bagong coach ng Metro Rail Transit.

Show comments