MANILA, Philippines – Binalaan ng Malacañang ngayong Miyerkules ang mga informal settlers sa mga pangunahing daluyan ng tubig na aarestuhin oras na bumalik pa sa mga estero ng Metro Manila.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na trabaho ng mga pulis at mga opisyal ng barangay na pagbawalan na tumira ang mga informal settlers sa mga estero na sinasbaing “danger zones.â€
Dagdag ni Lacierda na maraming sakit ang maaaring makuha ng mga pamilyang nakatira sa estero bukod pa sa panganib na dala ng pagbaha.
"In all likelihood, they (informal settlers) will be apprehended and they will be prevented from returning to the danger zones," sabi ni Lacierda.
"Sinisigurado natin na hindi na sila makakabalik sa danger zones. ‘Yan ay mahigpit na instruction ni Pangulong Aquino, at i-enforce ‘yan ng [Department of Interior and Local Government]," dagdag ng tagapagsalita ng Palasyo.
Sinabi pa ni Lacierda na kailangang ipatupad kaagad ng Department of Public Works and Highways at ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga proyekto sa mga estero pagkaalis ng mga informal settlers.
"We are trying to eliminate those professional squatters, we want to make sure that those people we're going to help are those people that are really in need," ani Lacierda.
Ipinagtanggol din ni Lacierda ang plano ng gobyerno na magbigay ng P18,000 sa mga informal settlers kapalit ng kanilang pag-alis sa mga estero.
“Ang sabi ng iba 'band aid' ito, ang sinasabi namin, 'first aid' ito dahil ito ay unang tulong sa ating mga pamilyang who are in danger zones, in the esteros, in those eight major waterways,†sabi ni Lacierda.
“We need to move them out in order to make sure that come typhoon season, hindi sila maaapektuhan. This is not the only solution; our solution is to relocate them to decent structures off site, in city, or near city,†dagdag niya.
Noong nakaraang linggo ay sinabi ng gobyerno na seryoso sila sa pagpapalipat sa may 20,000 pamilya na nakatira sa walong estero sa Metro Manila.
Mayroong 4,217 na pamilya sa San Juan river, 3,683 sa Tullahan river, 2,997 sa Manggahan Floodway, 1,687 sa Maricaban Creek, 3,887 sa Estero Tripa de Gallina, 1,484 sa Pasig River, 170 sa Estero de Sunog Apog, at 1,415 sa Estero de Maypajo.
Nasa 4,000 na pamilya ang mabibigayan ng pabahay, habang ang iba ay bibigyan ng P18,000 na rent assistance kapag pumayag na lisanin ang mga danger zones.