MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Korte Suprema ngayong Martes ang “Judgment Day†na proyekto kung saan isasagawa ng hukom ang pagdinig at pagdedesisyon sa kaso sa loob ng city jail.
Sinabi ni Court Administrator Justice Jose Midas Marquez na layuning ng proyekto na magtungo ng direkta sa mga kulungan upang madesisyunan ang ilang kaso na maaaring magbigay daan upang makalaya ang ibang preso.
Dagdag ni Marquez na gagawin ang mga pagdinig sa mga siksikang kulungan, partikular sa Manila City Jail, Quezon City Jail, Davao City Jail, at Angeles City Jail.
Uunahing asikasuhin ang kaso ng mga senior citizen at ang mga matagal nang nakabinbin dahil sa kawalan ng mga nagrereklamo.
Noong 2011 ay sinabi ni Romulo Virola, dating secretary-general ng National Statistical Coordination Board (NSCB), na umabot sa 446.1 porsiyento ang sobrang preso sa loob ng mga kulungan sa buong bansa.
"With an 'ideal' jail density of 4.7 square meters per inmate, on the average, BJMP jails house more than four inmates too many," sabi ni Virola.
Aniya nasa Calabarzon, Central Luzon, Davao, Eastern Visayas at Metro Manila ang masisikip na kulungan.