Piskal patay sa pananambang sa Batangas

MANILA, Philippines - Utas ang isang piskal matapos tambangan ng mga hindi kilalang armadong lalaki sa San Luis, Batangas kaninang Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Senior Inspector Joel Laraya, tagapagsalita ng Batangas provincial police office, ang biktima na si Atty. Alex Sandoval, 40.

Minamaneho ni Laraya ng kanyang Mitsubishi Adventure nang pagabarilin ng mga armadong lalaki na sakay ng asul na motorsiklo at puting kotse na may plakang TDD 852.

Nangyari ang insidente sa Barangay Muzon bandang 11:30 ng umaga.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments