MMDA 'di pa tapos maglinis ng mga kanal

MANILA, Philippines - Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na matatapos nito ang paglilinis ng mga kanal at estero sa susunod na linggo.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na maagang naghanda ang ahensya upang maiwasan na labis na magbaha sa  Metro Manila.

"I have to admit we cannot totally prevent [flooding]. If you are referring to the total flood prevention, that is difficult to achieve," pahayag ni Tolentino.

Dagdag niya na ginagawa ng MMDA ang lahat ng kanilang makakaya upang maresolba ang problema kabilang ang paglilinis ng mga kanal at estero.

Aniya, ang  Department of Public Works and Highways ang nakatakdang magsagawa ng flood prevention program sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela, at iba pang mabababang lugar sa Metro Manila.

"The DPWH is continuously replacing old dikes and we are likewise conducting regular declogging on existing ones," sabi ni Tolentino.

Show comments