8 bakla sa Cotabato City positibo sa HIV

MANILA, Philippines – Walong bakla sa Cotabato City ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV), ayon sa isang city health officer ngayong Martes.

Hindi naman pinangalanan ni city health officer Dr. Marlowe Niñal ang walong lalaki na nagpositibo sa ginawang pagsusuri ng Alliance Against AIDS in Mindanao.

“The tests that revealed they are positive for HIV were facilitated by a non-government organization engaged in providing services to HIV patients,” pahayag ni Niñal.

Dagdag ni Niñal, hindi pa nila matukoy kung may full blown Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na ang mga biktima.

“Our main concern now is how to trace the people these HIV positive inpiduals may have had sexual contacts with,” sabi ni Niñal.

Aniya ang walong bakla ay pawang mga nasa edad 20 hanggang 30.

Sinabi pa ni Niñal na nakakatanggap siya ng mga ulat mula sa mga impormante na nakikipagtalik ang mga biktima sa mga batang lalaki sa siyudad kapalit ng pera.

Show comments