MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Lunes na inalok niya ng puwesto sa Gabinete sina Panfilo Lacson at Francis Pangilinan na kapwa magtatapos ang termino bilang mga senador sa susunod na buwan.
Hindi na naman binanggit ni Aquino kung anong posisyon ang inialok niya sa dalawang papalabas na senador.
"Alam mo sabi nga nila, ‘yung details dapat ay hinog na hinog," sabi ni Aquino sa isang televised press briefing.
"Nagkasundo kami in general, pero wala pa doon sa specifics. Para maliwanag lang ang ating terms of engagement," dagdag ni Aquino.
Bago maging senador ay umupo muna bilang hepe ng Philippine National Police si Lacson at pinamunuan din ang binuwag nang Presidential Anti-
Organized Crime Task Force noong panahon ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Naging konsehal muna sa lungsod ng Quezon si Pangilinan bago naging mambabatas.