Pulis aksidenteng nabaril ng kapwa pulis sa Olongapo

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis matapos aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahan sa labas lamang ng kanilang istasyon nitong Lunes ng umaga sa Olongapo City.

Ayon kay Senior Inspector Gil Domingo, aksidenteng nabaril si Police Officer 1 Rogene Estrada, 37 ng kanyang kasamang si PO1 Alexander Quiming bandang 8:40 a.m. habang nag-uusap sa labas lamang ng Camp Manuel Cabal sa Barangay Baretto.

Sa salaysay ng dalawa pang kasamahan ilang pulis na sina PO2 David Domingo at PO2 Wilmon Jaudian, biglang binunot ni Quiming ang kanyang .38 rebolber at pinaglaruan habang nagkukuwentuhan sila.

Habang nilalaro ang baril ay aksidente itong pumutok at tinamaan si Estrada na nakikipag-usap naman noon sa isang babae.

Nadala pa sa ospital si Estrada ngunit nasawi rin ang biktima.

Tumakas si Quiming pagkatapos ng aksidenteng pamamaril.

Show comments