MANILA, Philippines - Malamang na bumisita sa Pilipinas si Pope Francis sa taong 2016, ayon sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Huwebes.
Ito ang inihayag ni Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP, matapos silang makatanggap ng kahilingan mula sa Vatican na agahan ang petsa ng International Eucharistic Congress (IEC) na gaganapin sa bansa.
Sa orihinal na plano, gaganapin ang IEC sa Cebu mula Mayo 23 hanggang 29 ng 2016. Dahil sa kahilingan mula sa Vatican, pinaaga ito sa Enero 25 hanggang 31 ng nasabing taon.
Two weeks ago, we received a letter from Archbishop Piero Marini asking us if we could move the event to the second preferred date because the Pope has another schedule in May (2016),†sabi ni Palma sa isang artikulo na nakalagay website ng CBCPnews.
Si Marini ang pangulo ng Pontifical Committee ng IEC.
“We told them that January is fine because our suggestion was to make the Pope’s visit to the Philippines a priority,†dagdag ni Palma.
Idinaraos ang IEC kada apat na taon. Ang naturang kaganapan ay dinadaluhan ng ng mga pinuno ng Simbahang Katoliko sa buong mundo.
Huling ginanap sa bansa ang IEC noong 1937, sa panahon ni Pope Pius XI.
Nanawagan naman si Palma sa mga Pilipino na ipagdasal na matuloy ang pagbisita ng Santo Papa sa bansa.
“We know that the Pope continues to inspire us and his visit will have an enormous impact on our faith and our Christian life,†sabi ni Palma.
Kung matutuloy ang pagpunta ni Pope Francis sa Pilipinas ay ito ang magiging pangatlong pagbisita ng pinakamataas na pinuno ng simbahan sa bansa kasunod nina Pope Paul VI noong 1970 at Pope John Paul II noong 1981 at 1995.