MANILA, Philippines – Hinimok ng mga lokal na opisyal ng North Cotabato ngayong Lunes ang joint ceasefire committee na panagutin ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na patuloy na inaatake ang teritoryo ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Napilitang lisanin ng higit sa 3,000 katao ang kanilang mga bahay sa Barangay Marbel sa bayan ng Matalam dahil sa pag-atake ng rebelding MILF.
Sinabi ni Army Captain Tony Bulao, tagapagsalita ng 602nd Brigade na nakabase sa Carmen, North Cotabato, tumindi ang tensyon nitong Linggo sa Kilada at Ilian dahil sa patuloy na panggugulo ng puwersa ng MILF.
Sumiklab ang gulo sa Barangay Marbel noong Mayo 5 nang harangan ng mga residente pumunta sa isang peace forum ang mga miyembro ng MILF dala ang kanilang mga armas at uniporme.
“The problem is that the MILF members would not agree to our demand for them not to carry guns when they enter our territory. There is an election gun ban. They harassed our people, provoking armed encounters,†sabi ni Datu Dina Ambil.
Sinabi ni Bulao na muling natuloy ang engkwentro pagkatapos ng eleksyon kaya nang manggulo ang MILF.
“The MILF rebels looted the abandoned houses of villagers and MNLF members. Some of the things stolen from the houses there were recovered in the house of an MILF commander,†dagdag ni Bulao.
Ilan pa sa mga miyembro ng MILF ay nakatira sa nilisang bahay ng mga MNLF, ayon kay Bulao.
Sinabi naman ng mga lokal na opisyal na may insidente rin ng pagkawala ng mga alagang hayop.
Hinimok ng mga miyembro ng Matalam’s inter-agency, multi-sectoral municipal peace and order council ang negotiating panels ng gobyerno at MILF upang imbestigahan ang paglabag ng mga suspek sa 1997 Agreement on General Cessation of Hostilities.
“The MILF rebels even set up checkpoints and roadblocks in abandoned areas in Barangay Marbel,†sabi ni Bulao.
Dagdag ni Bulao na nakakatanggap pa sila ng mga ulat na papsukin ng mga MILF ang Ilian at Kilada.
Nakakalat na ang mga pulis at sundalo sa mga strategic areas palibot ng barangay upang mabantayan ang lugar.