MANILA, Philippines - Sinabi ni Sen. Vicente Sotto III ngayong Biyernes na ang pangunguna ni Grace Poe sa karera ng senatorial elections ay patunay lamang na mayroong Catholic vote.
Kinontra ni Sotto ang pahayag ng mga tagasuporta ng Reproductive Health (RH) na sinabing nanaig sila ngayong eleksyon 2013.
"They're lying again when the PLCPD (Philippine Legislators’ Committee on Population and Development) said there is no Catholic vote," sabi ni Sotto na isa sa mga kritiko ng RH Law.
Sinabi ni Sotto na ang pagbaba ng mga pre-election survey topnotchers at senators-elect Loren Legarda, Francis Escudero at Alan Cayetano ay matibay na patunay na mayroong Catholic Vote.
Sina Legarda, Escudero, at Cayetano ay kilalang mga tagasuporta ng kontrobersyal na batas.
Sinabi pa ni Sotto na may bisa rin ang Catholic Vote kina Koko Pimentel, Gringo Honasan, Cynthia Villar, Antonio Trillanes at JV Ejercito, na mga tagasuporta ng naturang batas.
Ang nasabing limang senatorial candidate ay pasok sa 'Magic 12' ng pagkasenador base sa resulta ng unofficial at partial na bilangan.
Naunang sinabi ni PLCPD executive director Rom Dongeto na walang Catholic Vote dahil palpak ang kampanya ng simbahan para sa mga tagasuporta ng RH Law.
“The victory of the pro-RH candidates in the recently concluded elections is an affirmation that leaders of the Roman Catholic Church cannot dictate the results of the elections,†sabi ni Dongeto.
“There is no Catholic vote and no black propaganda of the church can steal victory from candidates who advocate reproductive health,†dagdag ng pinuno ng PLCPD..
Sinabi ng PLCPD na 94 porsiyento ng mga tumakbong pro-RH ay nanalo sa kanilang mga tinakbuhang puwesto sa gobyerno.
“Six of the seven senatorial candidates endorsed by the Purple Vote, a movement launched by pro-RH groups, are not just winning but are actually front runners in the senatorial race: Grace Poe, Loren Legarda, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Sonny Angara and Bam Aquino,†sabi ni Dongeto.
Sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Dinagat Rep. Kaka Bag-ao, Batanes Rep. Dina Abad, Bolet Banal (3rd District, Quezon City), Kimmy Cojuangco (5th District, Pangasinan), Jaye Lacson-Noel (Lone District, Malabon City), Sandy Ocampo (6th District, Manila), Susan Yap (2nd District, Tarlac), at Imelda Dimaporo (1st District, Lanao del Norte) ang mga mambabatas na bumoto pabor sa kontrobersyal na batas.