Mangudadatu, Hataman nananalo sa ARMM

MANILA, Philippines – Nangunguna si Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu sa partial at unofficial na bilang ng mga boto sa pinakamataas na posisyon sa probinsya.

Nananalo rin ang kaalyado ni Mangudadatu na si Mujiv Hataman, na ngayon ay acting governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa pagka-gobernador ng ARMM.

Nakakakuha na ng 107,221 na boto si Mangudadatu mula kaninang 11:24 ng umaga, at 39,178 pa lamang ang natatanggap ng katunggali niyang si Mayor Datu Tucao Mastura.

Unang tumakbo sa puwesto si Mangudadatu noong 2010 kung saan kasagsagan ng “Maguindanao Massacre” noong Nobyembre 23, 2009, kung saan kabilang ang kanyang asawa na si Genalyn sa mga nasawi.

Noong nangangampanya ay sinabi ni Mangudadatu na kung manalo ay makikipag-ayos siya kay Mastura na kadugo nito.

“I will do that without hesitation if ever I am re-elected,” sabi ni Mangudadatu .

Show comments