Beauty queens nagwalis sa QC

MANILA, Philippines – Pinangunahan ng mga eco-friendly beauty queens ang paglilinis sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City ngayong  Martes ng umaga bilang parte ng post-election clean up drive.

Nakipagtulungan ang Miss Earth Foundation sa EcoWaste Coalition at lokal na pamahalaan sa paglilinis ng mga iniwang basura ng mid-term elections sa Quirino Elementary School kahapon.

Sinabi ni MEF Executive Director Cathy Untalan na layunin nilang isulong ang pagpapahalaga sa kalikasan at umaaasa silang susundin ito ng mga naluklok na kandidato.

Personal na nagpulot ng basura ang reigning Miss Earth na si Stephany Stefanowitz kasama pa ang mga nanalo noong nakaraang taon.

Hinimok ni Stefanowitz ang publiko na pangalagaan ang kalikasan.

Show comments