MANILA, Philippines – Tiklo ang anim na nagpakilalang confidential agents ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Lunes dahil sa paglabag sa election gun ban.
Sinabi ni Superintendent Rommel Estolano, tagapagsalita ng Cavite Police Provincial Office, inaresto ang anim na kalalakihan na nagpakilalang tauhan
ng NBI sa Barangay Pnapaan, sa lungsod ng Cavite bandang 1 ng madaling araw.
Dagdag ni Estolano na nagpakita ng pekeng "certificates of coordination†ang anim na suspek nang hulihin.
"Hindi coordinated sa higher headquarters kaya dinala sila sa Cavite police station," pahayag ni Estolano.
Nabawi mula sa mga suspek ang iba’t ibang armas kabilang ang AK-47 na rifle.