MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang Nigerian national sa Department of Justice dahil sa umano'y pagpupuslit ng tatlong kilong shabu sa bansa nitong Abril.
Sa inilabas na pahayag ng BOC ngayong Huwebes, kinasuhan si Sunday Michael P. Owoborode dahil sa paglabag sa section 3601 at 2530 ng Tariff and Customs Code of the Philippines gayun din ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinabi ni BOC Commissioner Ruffy Biazon na naharang si Owoborode ng customs police operatives pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport mula Bangkok, Thailand bandang 8:30 ng gabi noong Abril 19, 2013.
Nasabat kay Owoborode ang shabu na nakapaloob sa isang plastik at binalutan ng brown na duct tape na may halagang P24 milyon.
Sinabi ni Biazon na kabilang sa international drug na sindikato si Owoborode at ang pagsampa ng kaso ay mensahensa lahat ng dayuhang sindikato na wala silang papalusutin na kalokohan sa bansa.
“This Nigerian national is certain to be part of an international drug syndicate which uses the Philippines as one of its markets and transhipment points. Today’s filing of charges against Owoborode is our message then, to international drug rings that we will spare no one in our campaign against smuggling, especially on the illegal drugs trade,†ani Biazon.
Maaaring maharap sa habambuhay na pagkakakulong si Owoborode na ngayon ay nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).