Lalaki patay matapos tumalon sa riles ng MRT

MANILA, Philippines – Pansamantalang naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 sa EDSA sa lungsod ng Makati matapos tumalon ang isang lalaki sa riles.

Tumalon ang lalaking hindi pa nakikilala mula sa northbound platform ng MRT-3 Guadalupe station dahilan kaya matamaan ito ng paparating na tren.

Naipit sa ilalim ng tren ang lalaki pero natanggal naman ito ng mga awtoridad.

Daan-daang mga pasahero naman ang naiulat na napuwersang bumaba ng tren at maglakad sa riles dahil sa insidente.

Show comments