Lalaki dedo matapos tamaan ng ligaw na bala sa QC

MANILA, Philippines – Utas ang isang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng dalawang armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa isang ulat sa radyo, hindi talaga si Danilo Delantar, nasawing biktima, ang target ng dalawang suspek na nakikipaghabulan sa Barangay Payatas bandang 6:15 ng umaga.

Dagdag ng ulat na nakita ng mga tambay na ang pinupuntirya ng triggerman na nakasuot ng helmet ang nasa kanto ng kalye ng Empire at Payatas road nang matamaan ng ligaw na bala si Delantar na nasa lugar.

Narekober ng mga pulis sa lugar ang limang basyo ng bala ng kalibre .45 pistol.

Show comments