7,500 pulis ikinalat sa Western Mindanao para sa halalan

MANILA, Philippines - Abot sa 7,500 pulis ang ipinakalat sa Western Mindanao nitong Lunes upang magbantay para sa halalan sa susunod na linggo.

Pinangunahan ni Chief Superintendent Juanito Vaño, direktor ng Police Regional Office 9, ang send off ceremony na ginanap sa Camp Batalla sa Zamboanga City.

Ayon kay Vaño, ipapakalat ang mga pulis sa 6,490 na mga voting precincts sa buong Western Mindanao upang magbigay ng seguridad sa may 2 milyon na mga botante ng rehiyon.

Aniya, ang 7,500 na mga pulis ay karagdagang puwersa lamang para sa mga lokal na pulisya na mangunguna sa pangangasiwa ng seguridad sa kani-kanilang areas of jurisdiction.

Show comments