MANILA, Philippines - Magtitipon ang iba't ibang militanteng grupo ngayong Lunes sa labas ng opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa lungsod ng Maynila upang hintayin ang desisyon ng poll body sa diskwalipikasyon ng mga party-list.
Pangungunahan ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capital Region ang kilos protesta upang ihayag ang kanilang sentimiyento kontra sa diskwalipikasyon ng kaalyadong mga partylist group na Piston at Kabataan.
Sinabi ng Comelec na nilabag ng dalawang nasabing grupo ang mga patakaran sa common campaign poster area policy sa ilalim ng batas.
Ayon sa grupo, plano nilang magsunog ng effigy nina Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. at Pangulong Benigno Aquino III kasabay kilos-protesta.