NPA lider arestado

MANILA, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang isang pinuno ng New People’s Army sa bayan ng Kiamba sa Sarangani province.

Kinilala ni Senior Supt. Edwin Miñon, direktor ng Saranggani provincial police, ang pinuno na si Ka Joy-Joy ng NPA Front Committee 73.

Nakorner ng mga awtoridad si Ka Joy-Joy, na pinaghahahanap dahil sa patung-patong na kaso, sa kanyang hideout sa Barangay Nalus sa Kiamba.

Inaresto rin ang asawa ng suspek na nakilala sa pangalan na Khads at mga kasamahan nitong sina Mak-mak at Henry ngunit kalauna'y pinalaya rin dahil pawang wala namang mga kaso ito.

Show comments