MANILA, Philppines - Sinabi ng isang mambabatas na kawalan ng bansa ang pagkuha ng 500 nars at health care workers ng Germany.
“Germany’s gain will be our loss,†pahayag ni Gabriela Party-list Rep. Luzviminda Ilagan.
Aniya, magandang balita ito para sa daan-daang libong nars sa bansa dahil maaari silang kumita ng P100,000 kada buwan.
Bukod dito ay papalo rin ang remittances na maganda para sa ekonomiya, dagdag ng mambabatas.
Pero sinabi ni Ilagan na ang pag-alis ng mga nars sa bansa ay makakaapekto sa mga ospital dito sa bansa.
Inihayag ni Department of Labor and Employment secretary Rosalinda Baldoz ang magandang balita sa ginawang signing ceremony sa pagitan ng DOLE, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Hans Leo Cacdac at Monika Varnhagen ng German Federal Employment Agency.
Ang mga makukuhang nars at health workers at magkakaroon ng insurance sa German social security system tulad ng health at long-term care insurance, pension, accident, at unemployment insurance. Sasagutin din ng German employers ang titirahan ng mga Pilipinong health workers.