MANILA, Philippines – Nailigtas ng mga awtoridad ang 104 Pilipinong lumikas mula sa Sabah matapos masira ang sinasakyang nilang bangka patungong Tawi-tawi.
Inanod ang nasirang bangkang na M/L Okey sa katubigan ng Sulu nitong Huwebes na sinasakyan ng mga nagsilikas na Pilipino, karamihan sa kanila ay mga bata.
Kaagad dinala ng mga rumespondeng awtoridad ang mga evacuees sa pantalan sa Sulu gamit ang patrol craft ng Philippine Coast Guard. Hinatak din nito ang nasirang barko.
Ayon sa ulat na dumating sa executive department ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nabigyan na ng panlalawigang gobyerno ng Sulu ang mga evacuees ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at tubig.
Napag-alamanan ng mga lokal na opisyal ang pagkakasira ng M/L Okey mula sa mga mangingisdang Tausog.
Mahigit 3,000 Pilipino na ang lumikas mula sa Sabah dahil sa patuloy na pagtugis ng awtoridad ng Malaysia sa mga miyembro ng royal army ng Sultanato ng Sulu.