MANILA, Philippines - Estudyante ng Ateneo de Manila University ang topnotcher ng 2012 Bar exams, ayon sa Korte Suprema ngayong Miyerkules.
Nakuha ni Ignatius Michael Ingles ang top spot sa score na 85.640 porsyento kasunod ang kaeskwelang si Catherine Beatrice King Kay na may 84.720 porsyento at Carmela Lacson (84.480 percent) na taga-University of the Philippines.
Pasok din sa top 10 ng Bar exams sina:
Xavier Jesus Romualdo - Ateneo de Manila University (84.100 percent)
Maria Graciela Base - University of the Philippines (83.990 percent)
Jose Maria Angel Machuca - Ateneo de Manila University (83.990 percent)
Patrick Henry Salazar - University of the Philippines (83.710 percent)
Ralph Karlo Barcelona - Aquinas University (83.430 percent)
Marvyn Llamas - Ateneo de Manila University (83.290 percent)
Carlo Martin Li - Ateneo de Manila University (83.270 percent)
Francis Palo Tiopiangco - University of the Philippines (83.250 percent)
Sinabi ni Associate Justice Martin Villarama, chairperson ng 2012 Bar exam committee, 949 ang nakapasa mula sa 5,686 na kabuuang bilang ng mga kumuha ng pagsusulit noong Oktubre 2012 sa University of Sto. Tomas sa Maynila.
May passing score na 70.76 ang Bar exams noong nakalipas na taon.