MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng party-list group na Worldwide Anti-Crime and Child Abuse Assistance Group Inc. (WACCAA) na hindi pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na lumahok sa halalan ngayong Mayo.
"The court resolved to deny with finality the [MR], there being no compelling reason to warrant the reversal of the questioned resolution," pahayag ng Korte Suprema.
Kabilang ang WACCAA sa 37 na party-list group na tinanggal ng sa listahan ng mga tatakbo sa darating na halalan.
Nauna nang ibinasura ng mataas na hukuman ang petisyon ngunit umapela lamang muli ang grupo.
Ayon sa Comelec, diniskwalipika ang 37 na partylist groups dahil hindi ang mga ito kumakatawan sa marginalized at underrepresented sectors.