Motorsiklo humampas sa pader ng MRT; 2 sakay patay

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos maaksidente habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng EDSA sa lungsod ng Mandaluyong.

Hindi na naisugod ang dalawang biktima dahil dead on the spot ang mga ito matapos sumemplang ang dalang motorsiklo sa southbound lane ng EDSA-Connecticut.

Isa sa mga biktima ang nakilala na si Arnulfo Herrera base sa kanyang lisensya.

Ayon sa saksing si Ramon Garcia, humaharurot ang motorsiklo nang mawalan ito ng kontrol at sumemplang malapit sa pader ng Metro Rail Transit.

Napag-alamanang si Herrera lamang ang may suot ng helmet at ang kanyang angkas ay tumalsik mula sa motor.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad sa aksidente.

Show comments