14 tripulanteng Pinoy pinakawalan ng Somali pirates

MANILA, Philippines - Pinakawalan na ng Somali pirates ang isang oil tanker na may sakay na 14 na tripulanteng Pinoy, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Martes.

Sinabi ng DFA na makalipas ang 10 buwan ay pinakawalan noong March 9 ng mga pirata ang oil tanker na Smyrni na may kabuuang 26 na tripulante. Naharang ng mga pirata ang barko sa Oman noong Mayo 10, 2012.

"All of the crew members are in good physical condition," pahayag ng DFA.

Sinabi ng DFA na patungo na ng Salalah, Oman ang barko kung saan sasalubungin ang mga Pilipino ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa Muscat at ng mga tauhan ng kanilang manning agency.

"The crew will undergo medical check-up as soon as they arrive at the Port of Salalah," anang DFA.

Mayroon pang siyam na tripulanteng Pilipino mula sa dalawang barko ang hawak ng mga pirata, dagdag ng DFA.

Show comments