MANILA, Philippines – Nais paimbestigahan ng isang mambabatas ngayong Huwebes sa espesyal na sesyon sa Kongreso ang kaguluhan sa Sabah sa pagitan ng tauhan ng Sultanato ng Sulu at awtoridad ng Malaysia.
"As lawmakers we should do what we can do to avert the looming mass slaughter of forces identified with the Royal Sultanate of Sulu and the... harassment of more than 800,000 Filipinos in Sabah by the Malaysian authorities," pahayag ni Anakpawis partylist Rep. Rafael Mariano.
Hinimok ni Mariano si House Speaker Feliciano Belmonte na magpatawag ng espesyal na sesyon sa susunod na linggo upang pag-usapan ang sitwasyon ng 200 miyembro ng royal army at ng mga Pilipinong nakatira sa Sabah.
Sinabi ni Mariano na maaaring makagawa ng resolusyon ang mga mambabatas, kabilang ang muling paghahabol ng Pilipinas sa Sabah, bago mag mahal na araw.
“Congress is in the best position to identify possible diplomatic and legal remedies available for the Philippine government to keep the family and other members of the Royal Sultanate of Sulu safe and the resumption of diplomatic talks and negotiations on issues surrounding Sabah,†dagdag ng mambabatas.
Iginiit ni Mariano na dapat ay siniyasat ni Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng maaari nilang magawa upang makumbinsi ang mga Kiram na ituloy ang negosasyon.
Samantala, nagdeklara ng unilateral ceasefire ang Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram III ngayong Huwebes ng umaga kasunod ang pakiusap ni United Nations secretary general Ban Ki Moon na wakasan na ang kaguluhan sa Sabah.