Kelot binoga ng sekyu

 

MANILA, Philippines – Patay ang isang teenager matapos barilin ng isang security guard sa loob ng isang subdivision sa Cavite ngayong Biyernes.

Sinabi ni Superintendent Romeo Desiderio, tagapagsalita ng Cavite provincial police, na pinaputukan ni Richard Marto, security guard ng Villa Celina Subdivision, baranggay Bayan Luma 7, Imus City, ang 19-anyos na biktimang si Vladinir Teves Jr. gamit ang isyi sa kanyang shotgun.

Bandang 1:20 ng madaling araw nangyari ang insidente sa naturang subdivision.

Nagtamo ng pitong tama ng bala ang biktima na namatay habang ginagamot sa Our Lady of Pillar Hospital, dagdag ni Desiderio.

Inaresto na ng mga pulis si Marto at kinumpiska ang shotgun nito.

Show comments