Batang babae patay sa sunog sa QC

 

MANILA, Philippines – Nalitson ng buhay ang isang batang babae matapos masukol sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa mga rumespondeng bombero, patay na si Anna Relano nang matagpuan nila sa nasinog na bahay sa 21st Avenue, Cubao, Quezon City.

Natabunan ang katawan ng biktima ng mga gumuhong parte ng bahay habang ito ay nasusunog.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang pinagsiman ng sunog.

Ayon sa mga kamag-anak ng bata, magdiriwang dapat ng kaarawan si Anna ngayong araw.

Show comments