MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang mambabatas sa mga pamunuan ng mga paaralan na i-ban na ang sapilitan at malalayong field trip para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at upang hindi na gumastos pa ang mga magulang.
Hinimok ni Rep. Pedro Romualdo (Lone District, Camiguin) ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) kasunod ang pagkakasawi ng pitong katao, kabilang ang dalawang estudyante at dalawang guro ng Marinduque State College, habang pauwi sila mula sa field trip sa lungsod ng Baguio nang sumalpok ang sinasakyan nilang tourist bus sa trak sa Marcos Highway noong Huwebes.
Noong Pebrero 8, nabundol ng bus ang dalawang high school students ng Holy Spirit Academy nang mag-field trip sila sa Camp Mateo Capinpin. Namatay ang isa sa mga biktima.
“I don’t see the wisdom of requiring field trips. During our time, we did not have field trips, but we managed to learn a lot in school,†sabi ni Romualdo na Vice Chairman ng House Committee on Justice.
Aniya, ang malalayong byahe ng mga estudyante ay may malaking tsansa na maaksidente sila bukod pa dito ang pasakit na dala nito sa mga magulang na gagastos.
Nakakapagtaka rin daw kung bakit pinipili ng mga paaralan ang malalayong lugar kung saan puwede naman sa mas malapit na magbibigay naman ng parehong matututunan ng mga estudyante, dagdag ng mambabatas.
“For example in our province, why should our students need to travel to as far as Cebu when they can just go to Misamis Oriental or Cagayan de Oro? Choosing faraway destinations only turns students into tourists. What’s the purpose of these field trips?" sabi ni Romualdo.
Sinabi pa ni Romualdo na kahit noong gobernador pa lamang siya ay kontra na siya sa field trop dahil pabigat ito sa mga magulang. Dagdag niya na maraming nanunulisit sa kanyang opisina noon upang ipang tustos sa field trip.
"I don’t want parents to solicit money to pay for their children’s field trips. Who is earning from these field trips at the expense of students and parents? On the part of students, they are forced to join the field trips otherwise they will flunk in their subject or course,†ani Romualdo.
Noon pa man raw ay sumulat na siya sa DepEd at CHED na ipatigil na ang filed trip para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga magulang.