1 patay, 2 sugatan sa sunog sa Navotas

MANILA, Philippines – Isang 58-anyos na lalaki ang nasawi, habang dalawa pa ang sugatan sa sunog na naganap sa Navotas ngayong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa isang ulat sa radyo, ikinamatay ng biktimang si Alberto Garcia ang makapal na usok sa loob ng kanyang bahay sa kalye ng Alonzo sa baranggay Daan Hari, Navotas, bandang alas-3 ng umaga.

Samantala, nasaktan sina Gabriel Cruz at kanyang asawa ni Rosita, dagdag ng ulat.

Dalawang oras ang tinagal ng sunog bago naapula ng mga rumespondeng bumbero.

Tinatayang nasa isang milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy.

Show comments