14 huli habang tumitira ng shabu sa Laguna

MANILA, Philippines – Tiklo ang 14-katao sa isinagawang pagsalakay ng mga pulis sa hinihinalang shabu den sa lungsod ng Biñan sa probinsya ng Laguna nitong Huwebes ng madaling-araw.

Naaktuhang gumagamit ng shabu ang mga suspek nang maabutan ng mga sumalakay na miyembro ng Laguna Provincial Police Office sa shabu den sa Sitio Tramo, Baranggay Canlalay.

Sinalakay na rin ng mga pulis ang naturang shabu den noong nakalipas na linggo, kung saan umabot sa 65 katao ang naaresto.

Show comments