MANILA, Philippines – Nauwi sa kaguluhan ang demolisyon ng ilang bahay sa Payatas, Quezon City nitong Huwebes ng umaga.
Bago dumating ang demolition team at mga anti-riot police, nagbarikada ang mga residente sa pagitan ng Justice Cecila High School at Payatas B Elementary School sa may Litex Road.
Matapos ang ilang minutong negosasyon, pinuwersa na ng demolition team at anti-riot policemen ang pagpasok sa mga kabahayan.
Kahit sinalubong ng pambabato ng mga residente ang demolition team, nagawa pa rin nilang mapasok ang compound at itumba angmga kabahayan.
Ayon sa mga ulat, may 19 na pamilya ang apektado ng demolisyon.
Isang residente na nakilalang si Normelito Robes ang nagsabing sinapak siya ng isa sa mga miyembro ng demolition team.
Ang mga ginibang bahay at tatayuan ng apat-palapag na gusali na gagawing karugtong ng Payatas B Elementary School.