'Red ribbon' campaign ilulunsad ng Simbahang Katolika

MANILA, Philippines – Ilulunsad ng Simbahang Katolika ang "red ribbon" campaign sa darating na Linggo sa Cebu bilang bahagi ng pagpapaigting ng kampanya nito laban sa kontrobersyal na Reproductive Health law.

Sinabi ni Eric Manalang ng Pro-Life Philippine Inc., ang anti-RH law drive ay isasagawa sa lahat ng parokya sa archdiocese ng Cebu.

Ayon kay Manalang, tututukan ng kampanya ang gagampanang papel ng mga pro-life youths sa probinsya.

Bahagi rin ng kampanya ang pagpapatibay ng "Catholic vote" para sa parating na halalan sa Mayo 13.

Show comments