MANILA, Philippines – Hindi pa pinapakawalan ng pulisya ang isang Belgian Malinois na nakapatay sa isang batang babae sa Zamboanga City noong Lunes.
Sinabi naman ni Chief Inspector Larry Domingo, Police Station 7 chief, na pinalaya na nila ang mga dalawng handler ng aso na sina Joel Cañete at RJ Serbestre dahil walang isinasampang reklamo ang pamilya ng batang biktima.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9482 o Anti-Rabies Act of 2007, mayroon lamang na 18 oras ang mga pulis upang ikulong ang isang suspek. Kailangang pakawalan ang mga suspek kung walang magsasampa ng kaso laban sa kanila sa loob ng naturang panahon.
Samantala, sinabin ni Domingo na mananatiling nasa ilaim ng kustodiya ang aso. Kailangan nilang kupkupin ang aso bilang ebidensya, aniya.
Tiniyak naman ni Domingo na maayos na naaalagaan ang aso na isasailalim sa 14-araw na obserbasyon ng local na veterinary office upang matiyak na wala itong rabies.
Inatake ng Belgian Malinois ang siyam-taong-gulang na si Mariane Gonzales noong Lunes ng hapon sa Summer Hill Subdivision sa baranggay Pansonaca. Pauwi nang bahay mula sa paaralan ang bata nang maganap ang insidente.
Sinabi ni Domingo na maaari pa ring managot ang may-ari ng aso at mga nag-aalaga dahil sa kapabayaan.
Gayunman, nagsabi na ang ama ng bata na handa silang makipagkasundo sa may-ari ng aso upang mabigyan ng maayos na libing ang biktima.
Sinagot na ni Geolar Tan, may-ari ng aso, ang gastusin ng pamilya sa ospital at sa pagpapalibing.