Magsasaka itinumba sa Maguindanao

MANILA, Philippines – Utas ang isang magsasaka nang tambangan ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Pagulangan, Maguindanao nitong Martes.

Kinilala ng mga imbestigador ang biktima na si Rusty Magundas na namatay dahil sa maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Sakay ng motorsiklo si Magundas at may kaangkas na dalawa pang katao, nang dikitan ng dalawang suspek at pagbabarilin.

Nang bumagsak sa kalsada si Magundas, ilang ulit pa siyang pinaputukan ng mga suspek.

Hinayaan naman ng mga armadong suspek na makatakas ang dalawang kaangkas ni Magundas.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng 9mm pistol.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pagpatay kay Magundas at ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Show comments