Bahay ng Comelec direktor pinagbabaril

MANILA, Philippines – Pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang lalaking namaril sa bahay ng direktor ng Commission on Elections (Comelec) sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ayon sa tagagpasalita ng Police Regional Office 9 (PRO) na si Senior Superintendent Nelson Eucogco, pinaulanan ng bala ang bahay ni Comelec director Jay Balisado ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Padre Gomez Street, Barangay Biasong bandang 2:45 ng madaling araw noong Biyrnes.

Mabilis na tumakas ang lalaki sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

Walang nasaktan sa pamamaril at nabatid na wala si Balisado sa bahay nang maganap ang insidente.

Isang .45 pistola ang ginamit ng salarin sa insidente base sa nakitang mga basyo ng bala.

Naniniwala ang pulisya na may kinalaman sa darating na halalan sa Mayo ang pamamaril.

Show comments