999 Mall sa Binondo nasunog

 

MANILA, Philippines – Nasunog ang isang shopping mall sa Binondo, Manila ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Manila fire office, sumiklab ang sunog bandang 8 ng umaga sa ika-anim na palapag ng 999 Mall sa kanto ng Claro M. Recto Avenue at Soler Street sa Binondo.

Pansamantalang isinara ang mall kahit napatay na ang apoy bandang 9:50 ng umaga.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog. Wala naman naiulat na nasaktan sa insidente.

Show comments