MANILA, Philippines — Dalawang Aleman at isang Australyano ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard matapos ang dalawang araw na pagkawala sa karagatan sa ng Gitnang Luzon.
Sinabi ni coast guard officer Venerando Celiz ngayong Biyernes na inanod ng malalaking alon ang maliit na sasakyang pandagat ng mga turista at nakita lamang sila ng dumaang barko.
Patungong Banton Island, 25 kilometro lamang ang layo sa Marinduque Island, nang madala ang sasakyang pandagat nila sa Sibuyan sea sa Gitnang Luzon.
Dinala ang mag-amang Aleman na sina Ralph Harald Auer at Thomas gayundin ang Australyanong si Joshua Marsh sa Iloilo kung saan dumaong ang nagligtas sa kanilang barko.
Ang tatlong turista ay pawang mga taga-Melbourne sa Australia at nagbabakasyon lamang sa Marinduque, probinsya ng asawang Pinay ni Auer.