Sekyu utas nang mahagip ng tren

MANILA, Philippines – Utas ang isang lalaki nang mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ngayong Miyerkules ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Ayon sa isang ulat sa radyo, tumawid ng riles ang biktimang si Michael Antonio Gabina upang bumili ng makakain nang mangyari ang insidente.

Huminto ang 21-anyos na security guard na si Gabina dahil sa paparating na tren sa southbound pero hindi niya akalain na mayroon ding paparating na northbound na tren.

Nahagip si Gabina na agad niyang ikinamatay.

Show comments