Kagawad utas sa riding-in-tandem sa La Union

MANILA, Philippines – Isa na namang opisyal ng baranggay ang itinumba ng riding-in-tandem sa San Fernando City, La Union Martes ng hapon.

Lampas na sa isang dosena ang bilang ng mga biktima ng mga gunmen sa probinsya. Isa ang La Union sa 15 lugar na tinukoy na “areas of immediate concern” sa buong bansa kung saan para lamang umanong namamaril ng ibon ang mga kriminal.

Itinumba ng mga hindi pa nakikilalang gunmen ang biktimang si Kagawad Carlos Balanon ng Baranggay Burayoc bandang 2:30 ng hapon sa karatig baranggay na Bangcusay.

Patay agad ang biktima sa isang tama ng bala sa ulo ayon sa mga pulis na inaalam pa rin ang motibo sa krimen.

Noong Lunes lamang ng gabi, dalawa ang pinagbabaril sa isang bingo parlor sa Baranggay Victoria sa bayan ng Luna. Artemio Dumlao

Show comments