13 month pay ibigay n'yo - DOLE

MANILA, Philippines – Pinaalalahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang may-ari ng mga pribadong negosyo na ibigay sa kanilang mga empleyado ang 13th month pay anuman ang posisyon o employment status basta nakatagal na ng isang buwan ngayong taon.

Sa isang department advisory na inilabas ni Labor chief Rosalinda Baldoz  nitong Biyernes, sinabi niyang nakasaad sa Labor Code na ang bayad ay hindi benepisyo kundi isang “core labor standard."

"This early, workers are already expecting the payment of year-end benefits, including the statutory 13th month pay, so the reminder to all employers to comply with the payment ... is timely," sabi ni Baldoz.

Ayon kay Baldoz, hindi ilalagay sa kompromiso ng gobyerno ang karapatan ng mga manggagawa at hinihikayat ng pamahalaan ang mga manggagawa na magsumbong sa DOLE kung hindi ibinigay ng kanilang mga employer ang bonus bago mag-Disyembre 24. Camille Diola

Show comments