MANILA, Philippines – Pinuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Biyernes si Pangulong Benigno Aquino III sa paglagda sa Republic Act 10575 o ang Bureau of Corrections Act of 2013.
Sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care executive secretary Rodolfo Diamante na naniniwala siya na maitatama ng bagong batas ang sistema sa Bureau of Corrections sa pamamagitan ng pag-aalis ng korupsyon.
Dagdag ni Diamante na maisusulong ng batas ang adhikain ng Simbahan na “restorative justice.â€
"We are happy that the President finally heard our call for this. Welcome move ito. Full support ako diyan because somehow it will going to provide the due print para mabago ang sistema ng corrections sa buong bansa na pabor sa mga mayayaman," pahayag ni Diamantesa Church-run Radyo Veritas.
Sa bagong batas ay tataas ang suweldo at benepisyo ng mga tauhan ng BuCor at maisasaayos ang kanilang pagsasanay upang maplantsa ang pagpapatakbo sa lugar.
Sinabi pa ni Diamante na tututukan nila ang pagpapatupad ng batas sa susunod na limang araw kung saan layunin nitong miasama ang rehabilitasyon ng mga preso sa community-based services.
Sa ngayon ay mayroong 1:144 na ratio ang tauhan ng kulungan sa mga preso.