Paano Tanggalin ang ‘Belly Fat?’ (2)

Ito ‘yung taba sa tiyan at sa paligid ng beywang. Bukod sa sinisira nito ang ating pigura, ito ay maaaring pagmulan ng mas seryosong problema sa kalusugan: sakit sa puso, diabetes, insulin resistance at cancer. Kaya hangga’t maaga, mainam na tunawin ito sa pamamagitan ng natural na paraan. Narito ang  pagpipiliang paraan:

2-Kumain araw-araw ng Greek yogurt or plain yogurt.

3-Uminom araw-araw ng dandelion tea or green tea. Tutunawin na ang taba sa tiyan, pagagandahin pa ang inyong kutis.

4-Oats ang kainin sa almusal.

5-Regular na uminom ng maligamgam na tubig 30 minutes bago mag-almusal.

6-Tuwing kakain ng almusal, tanghalian at hapunan, laging isama ang pipino sa kinakain. Magsisilbi itong pang-alis ng umay. Isawsaw sa sukang hinaluan ng asin at asukal.

7-Uminom ng apple cider vinegar mixture 30 mi­nutes bago kumain ng almusal, tanghalian at hapunan. Paano gawin ang apple cider vinegar mixture: 2 tablespoon apple cider + 1 basong tubig. Kung hindi kaya ang asim, dagdagan ng honey. (Itutuloy)

 

Show comments