Panaginip: Winawalis ko ang sapot ng gaÂgamba sa attic ng aming bahay. Biglang naglabasan ang maraming gagamba mula sa iba’t ibang sulok. Sa takot ko ay nagtatakbo ako palabas ng bahay. May isang bubuyog na kumagat sa akin.---Ana Lee
Interpretation: Ang attic ay simbolo ng aÂting saloobin at iniisip. May gumugulo sa iyong isipan at kalooban. May tinatakasan kang sitwasyon na nagbibigay sa iyo ng takot at maÂtinding pag-aalala. Ang kagat ng bubuyog ay nagre-represent ng sakit ng kalooban na dulot ng masakit na salitang ibiÂnato sa iyo ng isang tao.