Personal Year Forecast (4)

4 Personal Year

Kung may gagawin kang project, kailangan ito ay pag-isipan mo munang mabuti. Mas lalong magiging importante ang cycle 4 kung ang zodiac sign mo ay Leo or Gemini or ang birthdate ay 4, 13, 22 or 31.

LOVE: Ang mga tao’y  may kaugnayan sa iyong nakaraan ay bigla mong makikita. Maaakit sa iyo ang taong mas maedad sa iyo, may ibang ethnic or social and religious background. Ang zodiac sign nila ay Gemini, Leo and Aquarius. Ang birth number ay 1, 4, 5, 7, 10, 19, 28, 13, 22, 31, 14, 23,16, 25. Malaki ang tsansang mangyari ito sa February, April, July at November. Magsuot ng electric colors or pastel color.

HEALTH: Kapag nasa cycle 4, bigla na lang nag-iinit ang ulo ng isang tao. Mag-ingat sa misdiagnosis, wrong medical treatment or wrong drug prescription. Hihina ang kalusugan sa February, May, September, at November.

CAREER: Para hindi ka mabigla, asahan mo na ang mga unexpected happenings. Halimbawa, this week, happy and secure ka sa iyong trabaho pero the next week, nagpaplano kang lumipat ng kompanya dahil sa problema. Life is strange in cycle 4. Ito rin ang panahon na magkakaroon ka ng additional responsibilities. Lucky day para gawin ang may kaugnayan sa career ay Monday or Wednesday. Magkakaroon ng job changes and opportunities sa January, February, April, October at November.

TRAVEL:Magkakaroon ng opportunity na mag-travel dahil sa dalawang kondisyon: Dadalawin mo ang isang taong malapit sa iyo dahil maysakit ito  or sudden opportunity out of the blue. Malaki ang tsansa ng paglalakbay sa January, May, June, at October.

Show comments