Dapat mabuhay kahit biglang iniwan ng bf

Dear Vanezza,

Call me Feny. Iniwan ako ng ex-bf ko at ipinagpalit sa bang babae. One year na ang nakalipas but I’m still not moving on, I still think of him. Paano kaya ako makaka-move on. Ayoko namang tumigil ang mundo ko, pero nami-miss ko siya at nasasaktan ako. I don’t know how to move on.

Dear Feny,

Tama ka. Hindi dapat tumigil sa pag-inog ang mundo dahil lang sa isang kabiguan. Sa mundong ito, hindi puro ligaya ang dapat asahan. Kung may panahon ng ligaya, may panahon ng lungkot. Kung may panahon ng tag-init, mayroon ding panahon ng taglamig. Ang ligaya ay natatamo kapag na-overcome mo ang isang problema. Paano ka liligaya if you don’t have anything to overcome? Huwag kang mabuhay sa nakaraan. Ang ex mo ay may iba na kaya dapat mo na siyang kalimutan. Ituring mo na lang siyang magandang alaala at ituon ang iyong isip sa ibang bagay.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments