Kahit nalalapit na ang Pasko ay ayaw pa ring tumigil ng mga walang magawang netizens sa pagpapakalat ng fake news.
Nag-viral sa social media ang blind item na pumanaw na raw ang isang kilalang personalidad na may larawang naka-blur pero tila may hawig kay Kris Aquino.
“If it is true, why keep it a secret? Are they keeping a secret?” ang nakalagay sa caption.
May post din na nagsasaad ng “Are they keeping her death a secret?”
Isang netizen naman ang nag-post din ng “Hanggang kailan maitatago ang pagpanaw ng isang high profile celebrity?”
Walang katotohanan na pumanaw na ang Queen of All Media. Buhay na buhay ito at tuluy-tuloy pa rin ang pagpapagamot.
Ito ang sinabi ni Ogie Diaz sa latest episode ng kanyang online show na Ogie Diaz Showbiz Update.
“I asked Tita Mary Ann Opeña, isang napaka-close kay Kris Aquino. Tinawagan niya agad si Alvin, ‘yung secretary ni Kris at natawa na lamang si Alvin,” sey ni Ogie.
Ang sabi raw ni Alvin, “not true, tita.”
Sey pa ni Ogie, “Siyempre nasa recovery stage si Kris pero sabi nga ni Tita Mary Ann, ‘Naku! ‘Pag ganyan, hahaba lalo ang buhay ni Kris Aquino.
“Kasunod nito ay nakiusap si Ogie sa netizens na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news.
“Pero please lang, huwag kayong magpakalat ng ganito, juice ko!” aniya.
“Huwag na ‘yung mga ganyan. Dapat nga mag-wish tayo na sana ay gumaling si Kris para matupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng show,” dagdag pa niya.
Sue, maligaya sa suporta ni Dominic!
Aminado si Sue Ramirez na happy siya sa pag-amin ni Dominic Roque sa estado ng kanilang relasyon ngayon.
Umamin si Dominic na nasa dating stage sila ni Sue nang makapanayam siya ng entertainment press sa red-carpet premiere night ng The Kingdom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
Dumalo ang dating aktor sa premiere night bilang suporta kay Sue na isa sa cast at dito ay natanong siya kung sila na ba ng aktres.
“We’re dating,” ani Dominic.
After the screening ay na-ambush interview ng press si Sue at hiningan ng reaksyon sa pag-amin ni Dominic.
“Ah talaga? ‘Di ba inamin ko na rin naman? What’s new, guys? Charing!” sey ni Sue na natatawa.
“Enjoy with that information, charing! Enjoy lang din kami. I’m happy, I’m happy naman,” dagdag pa niya.
When asked kung happy ba siya na naroroon si Dom to support her at sagot ng aktres, “yes, I’m so happy for the support,” sabay-senyas ng dalawang thumbs up.