Daniel, pinalitan ni Gerald sa ASG!

Daniel Padilla

May mga nalungkot, pero may mga natuwa rin na hindi sasali si Daniel Padilla sa All Star Games this year. Bukod sa nakaiwas sila sa gastos, makakaiwas din sila sa pakikipag-away sa ibang fans.

Sa June 2, 2024 sa Big Dome gagawin ang ASG na tiyak dadagsain ng tao. May mga handa nang bumili ng tiket nang makita ang unang labas ng poster at makita ang larawan niya sa itaas katabi ni Donny Pangilinan.

Sa second release ng poster, wala na ang picture ni Daniel at ang ipinalit sa puwesto niya sa poster ay ang picture ni Gerald Anderson.

Ang sabi, bago pa lumabas ang poster ng ASG, ipinaalam na niya sa kanyang fans na hindi muna siya sasali sa ASG at hindi maglalaro ng basketball.

Bawi na lang daw siya next year. Walang siyang binanggit kung bakit absent siya this year.

Wish ng fans na pumunta sa Big Dome si Kathryn Bernardo para manood at suporta sa mga maglalaro.

Coleen, pinakita ang totoong hitsura

Pinost ni Coleen Garcia sa kanyang IG Stories ang photo niyang walang makeup at wala man lang pulbos. Ni hindi rin yata nagsuklay ang misis ni Billy Crawford at parang hinabi lang ng kanyang kamay ang kanyang buhok.

Sabi nito, “but actually... sometime, i look like this.” Sinundan pa ng  post na “i look sick.  i look pale. i look depressed. my hair’s a frizzy mess, esp in this insane heat.”

Sinundan pa ng post na “no it’s not cause of bisyo. it’s not cause of unbea­rable stress or marital problems or depression. it’s because i’m human. we all are. i break  out, i get tired, i am getting older every day.”

“anyone can bash, judge & speculate. or we can lessen that, & make it SAFER for people to be unapologetically authentic. cause no one should ever have to feel like they need to put on a mask just to be accepted.”

“Showbiz  is a switch we turn on until we get to shed the makeup, the hair extensions & the pretensions and just BE. we complain abt how everything on social media is so fake & filtered, and then in the same breath, we bash what’s real when we feel like it’s not pretty enough for us.”

Dahil walang makeup, malinaw na makikita ang freckles niya, iilang pimples, at dry pa nga ang lips. Pero lahat ng ito, hindi nakabawas sa ganda niya. May makeup man o wala, maganda talaga siya.

Samantala, may mahabang post siya sa wedding anniversary nila ni Billy at ang ganda ng sinabi nitong, “6 years married and living our dream life together” at ang sinabing, “I look forward to growing with you every single day until we’re old and gray.”

Wala sa bansa si Billy sa anniversary nila dahil may trabaho sa France.

Show comments